NAGING kontrobersiya ang Bureau of Customs Letter of Authority kaugnay sa mga pangre raid sa iba’t ibang warehouses, na naging sentro pa ng pagtatanong sa Senate Blue Ribbon Committee.
Tayo’y nagsaliksik at kinapanayam ang ilang bihasa sa Customs Modernization and Tariff Act, at Customs Administrative Order, para hindi malito ang ating mga kababayan, at maintindihan ano ba talaga ang pinaggagawa ng Customs Intelligence and Investigative Service.
Ang lahat ng mga hakbang ng BOC CIIS headed by Dir. Tacio, at ni MICP CIIS IOIII Alvin Enciso ay batay sa CMTA Law Sec. 224 Power to Inspect and Visit na nasasaad sa batas na ito ang:
“The Commissioner or any customs officer who is authorized in writing by the commissioner, may demand evidence of payment of duties and taxes on imported goods openly for sale or kept in storage.”
“In the event that the interested party fails to produce such evidence within fifteen (15) days, the goods may be seized and subjected to forfeiture proceedings:”
“Provided, that during the proceedings, the interested party shall be given the opportunity to prove or show the source of the goods and the payment of duties and taxes.”
At ano po ba mga Igan ang CONCEPT of Letter of Authority o LOA, para mas malinaw ani CIIS Dir. Tacio at IO3 Alvin Enciso.
Who may Issue: The commissioner shall issue an LOA pursuant to the exercise of the power to visit and inspect under Sec. 224, Chapter 3, Title II of the CMTA.
The purpose for the issuance of a letter of Authority: The Commissioner of Customs may issue an LOA to demand evidence of payment of duties and taxes on imported goods openly offered for the sale or kept in storage.
Nais din bigyan pansin nina Dir. Tacio at CIIS IO3 Alvin Enciso na ang LOA ay may kalakip na Mission Order na isang written order issued by the Commissioner of Customs at District Collector to exercise the power to visit and inspect.
Dagdag pa ng dalawang opisyal, kapag isinasagawa nila ang kanilang visitorial power, may kasama silang mga awtoridad sa mga ahensyang apektado ng kanilang pagbisita patunay na legal ang kanilang mga misyon.
Kaya naman, tanggalin niyo sa inyong mga agam-agam na inaabuso ang LOA, sapagkat ito’y batay sa CMTA Law. Gayunman, kung meron kayong mga tanong, reaksyon, at nais niyong ilathala ang inyong panig. Mangyari lamang na makipag ugnayan sa patnugutan.
***
936 milyong asukal, nadiskubre sa Bulacan
SANIB PWERSA NG BOC MICP CIIS, AFP, AT PNP-CIDG, MATAGUMPAY
Sa bisa ng Letter of Authority, nagtungo ang ahente ng Bureau of Customs, Philippine National Police, at Philippine Army sa ilang mga bodega sa Meycauyan, Bulacan, kung saan nadiskubre nila ang halos isang bilyong halaga ng asukal.
Sa bodega ng Polyland Industrial Subdivision, nadiskubre ang 11,717 sako ng lokal na asukal na may iba’t ibang brand, at 50,182 sako ng asukal mula Thailand. Tanong lang po mga Igan. Bakit wala ang taga DTI? Kasi may lokal sugar. Anyway, congratz!
Sa Edison Lee Compound, nakita naman ang 60,876 ng asukal mula Thailand. Keep up the good work mga Igan. Ipagpatuloy niyo lang yan.
Sa Muralia Industrial Park, 62,734 sako naman na asukal ang nakita, samantalang sa Sterling Industrial Park ay nadiskubre naman ang 1,860 sako ng asukal mula Thailand.
Sa pagtataya ng mga awtoridad aabot ang halaga ng asukal ng halos 936 milyon. Binigyan naman ng BOC ng 15 araw ang mga may ari ng mga bodega na magsumite ng mga dokumento na magpapatunay na hindi ipinuslit ang asukal.
Nais ko namang papurihan ang mga taga Bureau of Customs, at lalo na ang mga opisyal sa kanilang matagumpay na operasyon sa pagsugpo sa ismagling ng asukal.
Nawa ipagpatuloy niyo ang inyong masidhing misyon na sawatain ang mga nagnanais magsabotahe sa ekonomiya ng bansa. Mabuhay and may God bless us, always!
Spread the news