
MARAMI ang natuwa sa Bureau of Customs sa pagkakahirang ni Enforcement and Security Service Director Yogi Filemon Ruiz, bilang Kumisyuner dahil bihasa na ito sa nasabing ahensya, at ani pa ng mga kawani TAGA LOOB. Ayos yan saad pa ni Boss Charlon.
Sino nga ba si Comm. Ruiz mga Igan? Isang lehetimong Cebuano, na may magandang track record sa gobyerno. Opo, dahil sa 17 years niya sa gobyerno wala itong bahid anomalya. Tama po ba ako mga parekoy?
Ang pagkakatalaga ni Comm. Yogi Ruiz bilang Kumisyuner ng Customs ay talagang ikinatuwa ng mga Cebuano, dahil alam naman nilang nasa mabuting kamay ang ahensya.
Nito lamang July 20, 2022, nanumpa si Comm. Yogi Ruiz kay Pangulong Marcos, at ang kanyang marching order na ipagpatuloy ang malinis na pamamahala sa BOC, at huwag na huwag papasukin ang droga sa bansa.
Swak sa nasabing marching order si Comm. Yogi Ruiz, dahil bago pa man ito matalaga bilang ESS DIRECTOR, naging Regional Director ito ng Philippine Drug Enforcement Agency, kung saan umukit ito ng kasaysayan at legasiya sa ahensya.
Nakausap ko ng personal si Comm. Yogi Ruiz, hindi niya raw inaplayan ang posisyon, ngunit dahil sa kanyang mga komendasyon at accomplishment na nakita ni PBBM, siya’y hinirang sapagkat naniniwala si PBBM na malaki ang kanyang maitutulong sa BOC at sa gobyerno.
Mahusay makisama si Comm. Yogi, may bisyon para pangunahan ang BOC, at nakakasiguro tayong sa anim na taon magagampanan niya ang tungkulin niya, kaagapay ang mga magagaling na kawani ng BOC. Tama po ba ako Atty. Des?
Gayunman, hiniling pa rin ni Comm. Yogi, ang pagkakaisa, kooperasyon ng lahat para sa malinis na pamamahala, at ma reach ang target na itatalaga ng Department of Finance.
Salamantala, tiniyak naman ni Comm. Yogi na magkakaroon ng balasahan sa ahensya, at mabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani na nararapat sa bawat posisyon. Good luck Comm. Yogi and keep up the good work!
***
CONGRATZ AND GOOD LUCK COMM. YOGI
Ngayon pa lamang nais kong papurihan si Comm. Yogi Ruiz, sa kanyang pagkakatalaga sa BOC, sapagkat ang kanyang angking galing at talino ay pasok sa kwalipikasyon para pamunuan ang ahensya.
Naniniwala rin ako na hinasa ng panahon si Comm. Ruiz, dahil sa kanyang kasanayan sa pamumuno ay nagamit niya na sa pagsugpo ng ismagling nang siya ay maitalagang ESS DIRECTOR.
Hindi nagkamali si Pangulong Bongbong Marcos, sa paghirang kay Comm. Yogi, sapagkat insider ito na may malawak na kaalaman sa BOC at makakatiyak tayo ng isang maayos at malinis na pamamahala.
Ika nga nila bentahe talaga kapag taga loob, sapagkat hindi bara-bara ang mga desisyon lalo na at maselan ang ahensyang kanyang pamumunuan. Tama po ba ako Dr. Rebong.
Samantala, nakakatiyak naman si Comm. Yogi, ang suporta mula sa hanay ng mga mamamahayag, sapagkat naniniwala kami sa kanyang kakayahan at malinis na pagkatao. Mabuhay and God bless us, always!
***
BALASAHAN SA BOC
INAASAHAN na ng mga kawani ng Burea of Customs ang malawakang balasahan, mula sa Deputy Commissioners, Collectors, Directors, at iba pang posisyon na makakatulong kay Comm. Yogi Ruiz.
May mga listahan na kumalat sa Viber at Messenger, na kesyo si ganito ang magiging Deputy Commissioner, at Director ng isang debisyon na medyo inalmahan ng ilan.
Sa aking opinyon, ano man ang magiging desisyon ni Comm. Yogi Ruiz ay suportahan na lang natin sapagkat alam niya ang kanyang ginagawa lalo na at ang kanyang Chief of Staff na isang abugado at may malawak na karanasan sa boc ang kanyang makakatuwang.
Makiisa rin tayo kay Comm. Yogi, sapagkat nais niya lamang tulongan ang ahensya at maging ang ating Pangulong BBM na nais lamang mapabuti ang ating bansa. Mabuhay tayong lahat.
Spread the news