KAHIYA-HIYA ang sinapit ng ilang opisyal ng Bureau of Customs, kaugnay sa kanilang report kay ES Rodriguez, na diumano may nag import ng asukal  sa Port of Subic na nag recycled ng permit to import.
ito ang naging dahilan sa pagkaka hold ng cargo vessel MV Bangpakaew, matapos mag diskarga ng sako-sakong refined sugar mula sa Thailand nito lamang August 18, 2022.
Nabatid na lulan ng nasabing vessel ang 7,000 metric tons o 140,000 sakong asukal, at may labing siyam na crew members na kasama sa na hold.
Sa pagsasaliksik ng Morning Standard, lumalabas na legal o legitimate ang importation ng asukal sa Port of Subic, dahil bukod sa pagbabayad ng tamang buwis, kumpleto pa ito sa dokumento taliwas sa pahayag ng ilang opisyal ng Bureau of Customs.
Sa nakalap pa na impormasyon ng Morning Standard, para mapatunayan na lehitimo ang importasyon ng asukal, binigyang ng mission order sina IA Ma. Angela H. Angala ng CIIS, SA I Jerus Biancille M. Cincepcion ng ESS, IA I Fidencio Pangilinan Jr ng CIIS, at SA I Jovert D Andrade ng ESS, sa Sugar Regulatory Administration at Food and Drug Administration.
Naging misyon ng mga BOC Opisyal ang pagsusuri o eberipika ang authenticity ng SRA Clearance to Release of Imported Sugar with CNB:CY 2022-148, CY 2022-149, FDA Certificate of Product Registration with Registration Number: FR-400007723120, at FDA License to Operate, License No. LTO-3000007499226.
Supalpal ang Bureau of Customs sa naging tugon ng Sugar Regulatory Administration, sa sertipikasyon na ipinadala ng nasabing ahensya sa BOC at may lagda ni SRA Deputy Administrator Atty. Guillermo C. Tejida III.
Ang sertipikasyon ay nagsasaad ng:  “This is to certify that the SRA Clearance for Release of Imported Sugar Covered by CNB: CY 2022-148, consigned to ORO-AGRI-AGRITRADE, INC. for the account of ARC Refreshment Corporation, with Bill of Lading # WOSI 41/22 and volume of 5,181.00 Metric Tons (103,620.00 Bags of 50Kg.) is certified true and correct and issued by the Regulatory Administration.”
Gayundin ang “CNB: CY 2022-149, consigned to ORO-AGRITRADE, INC., for the account of Zest-O Corporation, with Bill of Lading # WOS2 41/22 and volume of 1,819.00 Metric Tons (36,380.00 Bags of 50Kg.) is certified and correct  and is issued by the Sugar Regulatory Administration.”
Tanong ng Morning Standard, sa kabila ng lehitimong transaksyon at pagbabayad ng buwis. Bakit pa nagpapa isyu ng Warrant Seizure and Detention. Hindi nga ba at binulag lang ng ilang opisyal ng Bureau of Customs si ES Rodriguez?
Spread the news