SAKIT daw ng ulo ng mga Importer/Stakeholders, at maging ng mga brokers itong si Chris, na umanoy collector cum bagman ng Intelligennce Group ng Bureau of Customs.
Reklamo ng mga Tsinoy na importers, nanghihingi raw ng TARA itong si Chris at nangangakong hindi magagalaw ang kanilang kargamento kapalit ng malaking halaga.
Ang siste, kahit na naghahatag ang mga importers, hinuhuli pa rin ang kanilang kargamento ng IG kahit legal na legal silang nagpapalabas ng kanilang produkto.
Hinala tuloy ng mga Brokers at Importer na hindi nakakarating sa kinauukulan ang kanilang parating sa mga collectors, directors, at dep.comm., dahil hinuhuli pa rin o kaya naman naka alert ang kanilang mga kargamento.
Paniwalang-paniwala silang kawani si Chris, dahil sa ipinakikita nitong Identification na siya’y kawani ng Bureau of Customs under ng Customs Intelligence and Investigation Service.
Mahilig din daw si Chris mag name dropping kung kaya’t marami itong nadidinggoy na mga Tsinoy, dahilan para mapaniwala niya ang mga importera at brokers.
Ipinagmamalaki rin nito na meron siyang kapatid na Abogado, para lalong ipagpatuloy ang kanyang pangingikil sa mga importers/stakeholders maging ang mga brokers ay biktima ng kanyang modus.
Sa pagsisiyasat  ng Pilipinas Star Ngayon, lumalabas na hindi kawani si Chris ng Bureau of Customs, bagkus isa itong pekeng kawani ng ahensya, meron lamang kasangga sa Intelligence Group na kasabwat umano sa kanilang operasyon.
Tinatawagan ng pansin ng Importers/Stakeholders at ng mga brokers si Dep. Comm., for Intelligence Group Gen. Ramiro, na imbestigahan at hulihin si Chris dahil marami na itong biktima sa kanyang modus operandi.
Samantala, nabatid ng pahayagang ito na si Chris ay may kasamang Carlo S., kasabwat sa kanyang pangungutong, at napag-alaman din na sugapa ito sa pagsusugal dahilan para maging laman ng mga CASINO.
Hinihingi din ng mga Importer/Stakeholders kay Bureau of Customs Commissioner Jagger Guerrero na agaran hulihin si Chris at Carlo S., dahil daang milyon na umano ang nakukulimbat sa mga Tsinoy.
Tiwala naman ang mga importers at brokers na sa lalong madaling panahon kikilos ang Burea of Customs sa diriktiba ni Comm. Jagger at Dep. Comm. Ramiro para sa dagliang pagkakadakip ng kolektor cum bagman kuno ng IG.
Spread the news