
IPINAGKAKALAT ni COO3 na siya daw ang pinakamagaling na adviser sa Bureau of Customs. Nakadikit lang sa pader at malapit sa kusina. Magaling na? Ambot sa kambing na may bangs!
KABARILAN at COO3 naging adviser? Ano ba ang nalalaman nito sa Bureau of Customs? May sapat ba itong kaalaman sa CMTA LAW? O sa pamemera lang? May ganun!
Balita ko Mr. COO3, kumukulekta ka na daw every Friday sa mga broker at importer? Magkano ang TARA mo? Baka binubukolan mo ang kaibigan ko? Sige ka huhubaran kita. Ambot!
Sobrang yabang mo Mr. COO3, sa tuwing nakolekta ka sa TARA. Ipinagkakalat mo na magaling kang bumaril? Nananakot ka ba? Naku po! Baka mapasama ka sa listahan. Ingat pa MORE, baka sumemplang ka!
Alam kaya ni Bosing ang ginagawa mo? Ayos ka rin! Ginagamit mo pa ang pangalan ni ES. Dimo ba alam na meron din akong dirik kontak kay ES. Makakarating ang ginagawa mo. Sige ka. Tapos ang kaligayahan mo, Mr. Pa MORE the COO3!
MORE ka rin kung TUMARA. Gamit mo pa ang pangalan ng Bosing ko at kaibigan ko diyan sa BOC. Huwag kang magmadali, ang lahat ay nauukol. Kaso nambubukol ka! Tama ba ako Mr. Pa More the COO3.
Teka, ayaw na ayaw ng Bosing at Kaibigan ko diyan sa Bureau of Customs ng droga at agricultural smuggling. Bakit yan ang pinagkaka-abalahan mo? May ginto ba diyan? O may ginagawa kang milagro? Uy ambot!
Abangan, ilalathala natin ang MODUS ni Mr. Pa More the COO3, kolektor cum bagman. At isisiwalat din natin ang pagkatao nito. KABARILAN daw at KAIBIGAN! Pwe! Sulsultant daw ang tawag sau! Bawat bulong mo tila boses ng demonyo! Ayos ah! May susunod pa!
***
DROGA LUSOT SA CEBU XIP?
MGA Igan, hindi ba kayo nagtataka kung bakit kumakalat ang droga sa Merkado? Mga laboratory dito sa bansa ng ipinagbabawal na gamot ni raid na at winasak! Saan ito dumadaan? May naamoy ba kayo?
Parehas ba tayo ng iniisip mga Igan! Sa Burea of Customs nga ba ito lumalabas? Sino ang mga kasabwat? Meron ba tayong dapat isiwalat? Syempre meron! Gusto niyo ng clue? Hahaha
Paano isang opisyal ng Bureau of Customs TARA sa Droga! Kilala niyo po ba kung sino? Siya lang naman ang itinuro ni Mr. Guban, nang magsagawa ng imbestigasyon ang Blue Ribbon Committee ng Senate! Alam niyo na kung sino?
Teka mga Igan, punta muna tayo sa X-Ray Inspection Project o XIP. Sino ang may hawak ng dibisyon na ito sa Bureau of Customs sa Cebu? May idea ba kayo kung sino?
Balita ko kasi dito pinapalusot, partikular na sa Cebu? Magkano ang TARA. Sino ang nakikinabang? Huwag kayong mag alala. Huhukayin natin ang mga nasa likod nito. Ewan ko na lang kung hindi umikot ang pwet nito kapag may sapat na tayong ebidensya.
Gaano kaya katotoo na may sabwatan, ang CIIS at XIP? Naku po! Lusot talaga kapag ganun! Biruin mo ang Intel ng BOC namamantikaan na! Gayundin ang XIP? Naku po kaya malabo na ang XRAY hindi na ma penerate ang laman ng container! Ambot sa kambing na may bangs!
Mga Igan, huhubaran natin kung sino ang mga sangkot sa XIP, CIIS at kung sino ang TARA sa droga. Naku po! Lalo na at nakakuha ako ng kopya ng transcript ng Senate Hearing. Sino ang itinuro ni Mr. Guban? Uy ambot! hahaha
***
SINO SI ANDREW NG?
Mga Igan, sino kaya itong tsinoy na si Andrew Ng? Kinakaladkad kasi ang pangalan ng kaibigan ko? Nagpapalusot daw ng sibuyas at carrots sa Subic?
Totoo kaya ito ay kaibigan ni Ms. Kimberly? Naku po, hindi po ba ito ay sangkot sa pagpapalusot ng droga? Baka hindi lang agricultural products palusot nito?
Nagtanong-tanong ako sa mga eksperto sa Bureau of Customs? Pwede nga ba ito makalusot? Pwede! Sa MISTG lang daw ito may MAGIC! Wow huh! May naamoy ba kayo? Well, abangan niyo ang mga susunod kung pagsisiwalat!
Spread the news