SA Nasyunal Eleksyon, naging MANTRA ni President Elect Bongbong Marcos ang PAGKAKAISA, tungo sa isang maunlad at matiwasay na bansa. Isang malinis na hangarin. Hindi po ba?
Maluha-luha po ang inyong Lingkod ng sinasabi ni President Elect BBM na gusto niya ang mamamayang Pilipino ay magsasabing AKO AY PILIPINO, TAAS NOO KAHIT KANINO.
Busilak ang puso ni BBM, hindi lamang ang kanyang sarili ang iniisip, kundi ang sambayanang Pilipino. Kaya naman, magkaisa tayo, at suportahan ang kanyang napakagandang layunin.
Sa ngayon, ikinararangal ko talaga ang kanyang pagkapanalo bilang Presidente ng Pilipinas. Biruin niyo mga WORLD LEADERS, nagpaabot ng pagbati sa kanyang pagkapanalo.
Mula sa bansang Amerika, China, Japan, Russia, at Australia. Opo mga Igan, nagkausap lang naman si Australian PM at Presumptive President Marcos sa pagbabakasyon sa bansang Austalia.
Ito ay kinumpirma ng ating Boss at spokesperson na si Atty. Vic Rodriguez, kung saan sinabi nitong andun nga buong pamilya ni Marcos.
Sa pahayag pa ni Atty. Vic Rodriguez, nagkausap nga si presumptive president at Austrlaian Prime Minester Scott Morrison sa naturang bansa. Wow huh! Isang magandang indikasyon ito.
Again, nagpa abot din ng congratulatory message ang pinuno ng bansang Australia kay Marcos. Patunay na kinikilala nila ang naging desisyon ng 31 milyong Pilipino na nagkaisa para sa ating presidente.
Proud talaga ako, at masayang si BBM ang Presidente natin. Hindi nawalan ng saysay ang ating pagsuporta sa kanya, mula sa pagiging Senador, pagtakbo ng Bise Presidente, at pagka Presidente. Mabuhay ang mamamayang Pilipino.
***
PETISYON LABAN KAY BBM, WALANG KWENTA
WALANG KWENTA, o basura ang petisyon laban kay BBM para ikansela ang Certificate of Candidacy ni presumptive President Ferdinand Bonbong Marcos.
Pwede ba sa mga petitioners MAGTIGIL na kayo! Mga bayad ba kayo? O hindi niyo matanggap ang naging desisyon ng 31 milyong Pilipino. Anong TRO? Bakit niyo ipapatigil ang bilangan at proklamasyon ng presidente natin? Ambot!
Father, baka nakakalimutan mo ang iyong tungkulin sa mundo. Ipakalat ang mabuting salita ng Diyos. Sinapian kana ba ni Satanas? Magkano ba? Nagkaroon ba ng CASH-SUNDUAN?
Ito rin si dating SC spokesperson Atty. Ted Te. Hindi ko maintindihan. Abugado ka pa naman? Tila binabaloktot mo ang batas. Kailangan mo bang mag review? O baka naman namamantikaan ka? Nagtatanong lang.
Spread the news