Ayon kay Steve Hofsteller: Agnorant-people who are extremely ignorant, yet are simultaneously extremely arrogant. Ganyan, natin isinasalarawan ang ilang fligt stewardess ng Cebu Pacific.
Bakit mga Igan? Naalala niyo po ba ang isang ignorante at aroganteng hitad este Flight Attendant ng Cebu Pacific na nahulihan ng mansanas?
Opo, yung nakumpiskahan ng mga taga Bureau of Customs, sapagkat nagbitbit ito ng mansanas mula sa ibayong dagat na walang pytho sanitary permit.
Ang siste, kundi ba naman bobo at tanga. Nagtatalak at nagwala daw ang Flight Attendant na ere. Naku po! Gago/Gaga! Kayo nga nagbibigay ng mga checklist/form kung anong dapat at hindi dapat kapag lalabas ka at papasok sa bansa. Ikaw pa itong suwail! Uy ambot!
Sa ganang akin, marapat lang na bantayan itong mga kupal este Flight Attendant, dahil may history pala sila ng pag smuggle ng gulay, prutas, alahas at party drugs!
Hindi ako nagsabi niyan, kundi mula sa awtoridad, lalo na ang Bureau of Customs. Pasalamat ka Higad na hindi ka kinasuhan ng ismagling. Kundi, sibak kana, kulong kapa! Ambot sa imo!
Infairness, ginagawa lamang ng mga taga Customs ang kanilang trabaho. Gawin niyo rin ang trabaho mo na naayon sa inyong regulasyon, at batas na umiiral sa bawat bansa, para hindi ka mahulihan o dili kaya ikaw ang hulihin. Tama po ba ako Agnorant Flight Attendant? Hinay-hinay iha! Ambot!
***
KAMARA, BAHAG ANG BUNTOT
TILA asong nabahag ang buntot si Congressman Horacio Suansing, dahil tiklop ito sa pagdinig sa smuggling, lalo na at nabanggit ang pangalan ni Michael Ma.
Ayon kay Dep. Minority Leader Cong. Castro, posibleng may katotohanan ang rebelasyon ng isang mamamahayag, na business partner umano ni Michael Ma si M.A., na kapatid naman umano ni FL.
Hindi kaya nabayaran si Cong. Suansing? Biruin mo ba naman, sampung smugglers ang sa listahan kasama si Michael Ma. Maghatag ng milyones. Tikom talaga ang bibig. Uy ambot
Anyway, bukas po ang pahayagang ito kay Cong. Suansing para sa kanyang panig. Para naman malaman natin ang dahilan ng kanilang pag atras.
Biruin mo ba naman, nakatakda ang pagdinig nitong January 30, 2023, biglang kinansila. Sa anong dahilan? May tumawag ba? May namantikaan?
Well, dapat papanagutin itong mga smugglers, dahil malaki ang epekto nito sa mga magsasaka at sa ekonomiya ng bansa. Hay naku! Hindi na kayo nasanay. Ambot sa kambing na may bangs!
***
Congratz Comm. Yogi…
BOC EXCEEDS JANUARY REVENUE TARGET
Ayon sa ulat ang Bureau of Customs ay naka kulekta ng 70.327 billion sa revenue Collection for the month of January, kung saan ang target nito ay 62.911 billion.
Lumalabas na 11.79 percent o p7.415 billion ang surplus ng nasabing ahensya. Kaya saludo po tayo kay Comm. Yogi Ruiz, hindi malayong makuha niya ang full pledge Commissioner. Performance level ba naman.
Partida, may huli pa sila dyan na P794.463 milyong halaga ng agricultural products at 104.833 milyong halaga ng droga.
Mabuhay po kayo Comm. Yogi, dahil sa kabila ng maraming huli, nanatili pa rin ang inyong magandang performance at pagpapa igting sa pagsugpo ng ismagling dyan sa iyong bakuran. Keep up the good work!