
MASARAP at MAGILIW na kausap si Port of NAIA Deputy Collector for Assessment Atty. Halleck A. Valdez, ukol sa mga programa at innovations nila ni Port of Coll. Atty. Yas Mapa.
Nabanggit din nito na for past eleven years, hirap ang nasabing Port na maka reach ng target, at nang sila ni Coll. Atty. Mapa ang magkatuwang maraming pagbabago sa Port of NAIA. Isa na rito ang palaging reach ang target.
Dagdag pa ni Dep. Coll. Atty. Valdez, natatangi po si Coll. Atty. Mapa, sa lahat ng mga nakasama niyang Port Collector. “Marunong ito mag deligate ng mga trabaho.” Hindi sinusulo… sana all!
Teka, sino nga ba si Dep. Coll. Atty. Valdez, anya, siya rin ay dating mamahayag bago kumuha ng abogasiya, kaya malapit sa puso niya ang mga kasama natin sa hanap buhay.
Kumuha ng CESO sa CESB, at kasabay niya sa pag examine ang dating BOC Commissioner na si Villanueva, at rank 5 pa si Coll. Atty. Valdez sa nasabing pagsusulit.
Sa buhay at pamilya niya, masasabi nating stable na ito, sapagkat sa tatlo niyang anak dalawa rito ay parehas abugado. At ang kanyang isa namang anak ay negosyante.
Naging Port of Collector ito sa Zamboanga, kung saan marami rin itong naging accomplishment. Bukod sa mga huli na kontrabando, palagi pa itong nakaka reach ng target.
Kaya naman, maari na naman itong muling pagkatiwalaan ni Comm. Bien, para maging District Collector, sapagkat nagpapakita naman ito ng performance. Tama po ba ako Maam Tata?
***
Attention RIPS…
BOC DIVISION HEAD MAY ILL-GOTTEN WEALTH?
MASYADO nang naging mahangin ang ULO ni Division Head, nang siya ay ma promote. Ito ang naging obserbasyon ng kanyang mga kasama sa BOC. Aguy!
Matunog ang pangalan nito, at anila NOTORIOUS daw ito sa TARA. Palaging naka lunch out kuno, yun pala kausap ang mga brokers at importers nang siya pa lang ay Section Chief.
Magaling sumipsip sa mga Big Boss sa BOC, at maghatag para ma promote. Wag ka ang kanyang ipinamimigay. Ipinagkakalat pa na kesyo may parating siya sa mga BIG BOSS.
Nakakuha po ako ng kopya ng kanyang SALN, at understated ang mga nakalagay dito. Halatang dinoktor na tila dumaan sa kamay ng RECTO BOYS. Uy ambot sa kambing na may bangs!
Hulaan niyo, kalahi ito ni BB Gandang Hari, at isinusuka ng kanyang mga kababayan, dahil hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Ano yun! Parang kilala ko na ito? Hahaha
Boss, hintayin mo na lang ang Revenue Integrity Protection Service. Ang anti-corruption arm ng Department of Finance. Tingnan natin ang hangin at yabang ng inyong katawan.
Hindi na rin mahihirapan ang RIPS sa pagkuha ng mga larawan ng bahay at mga sasakyan mo. Dahil may magbibigay. Kaya good luck. Uy ambot sa kambing na may bangs! Happy New Year na lang hahahah!
***
Parting Shot: Taos pusong pasasalamat ng Morning Standard sa tulong at suporta ng mga opisyal ng Bureau of Customs na nagbigay kulay sa aming nakaraang Holiday Party.
Ayaw lang po nila magpa banggit ng panagalan, sapagkat taos puso daw nila itong tulong sa pahayagan.
At kami naman po, ang pamunuan ng pahayagang Morning Standard ay nakahandang tumulong at sumuporta sa BOC sa bawat accomplishment ng nasabing ahensya. Mabuhay and God bless us, always!
Spread the news