NAGING maingay ang Bureau of Customs nakaraang taon, dahil sa mga appointments ng mga opisyal mula sa Commissioner, Deputy Commissioners, Directors, at Collectors.
Meron mga nabigla dahil ang ilan sa kanila ay mula sa malalaking pamilya, at pulitiko, ngunit pinalitan. Anong dahilan? Meron ba tayong dapat halukayin? May ganun?
May backer na, sinibak pa rin? Bakit? Biruin mo, DOF Secretary, ES Secretary, Congressman, Governor, at mga kilalang pamilya sa gobyerno. Pinagpahinga pa rin. Anong meron?
Ang ilan sa kanila ay nakaka reach ng target, kailan lang na appoint. Meron nga anim na buwan, isang taon, at dalawang taon. Sino sila? Mga Coll. VI lang naman. Nakakabahala po, hindi ba?
Anyway, suportahan na lang po natin kung sino ang mga nakaupo ngayon sa Bureau of Customs. Siguro may magandang dahilan kung bakit sila pinalitan. Pwede naman bumawi sa susunod. Kung makakabalik? Ambot sa kambing na may bangs!
Samantala, narito ang mga na appoint nakaraang taon,
Collectors VI Noah Dimaporo, Atty. Marlon Agaceta, Alexander Gerard Estanislao Alviar, Felipe Geoffrey Kesley De Vera, Jairus Santos Reyes, Maita Acevedo, Arthur Sevilla, Atty. Yas Mapa, at Coll. VI Rizalino Torralba.
Sina Coll. VI Ricardo Morales, Romeo Allan Rosales, Mimel Talusan, at Alexandra Lumontad, ang mga napalitan ng mga bagong appointees. Kahit nakaka reach ng target. Aguy!
Pagbati at pagsaludo sa mga appointees dahil nakakatiyak naman ako na nasa mabuting kamay ang Bureau of Customs, lalo na kina Atty. Yas Mapa, Coll. Alex Alviar, at Coll. Rizalino Torralba, na mga workaholic.
Sa mga bagong appointees ng Directors may REGODON? Naku po! Abangan natin! Nakaraang taon na appoint sina Dir. Atty. Marlon Fritz B. Broto, Dir. Ronnel Hombre, Eduardo Rey Joson, Atty. Melon Carlo M. Santiago, John Simon, Cecille Marie C. Soriano, at Blesilda N. Balagtas.
Halos lahat sa mga appointees, may puwesto na mula sa Collectors at Directors. Kaya naman naging smooth ang takbo ng Bureau of Customs, dahil na rin sa angking galing ni Commissioner Buen Rubio.
Sa mga Ports ng Bureau of Customs, lahat ng mga naka pwesto ay Coll. VI. At kung inyong mapapansin, bakante ang Port of Subic. Sino kaya ang masuwerte na makukuha sa Port na ito? Good luck!
Nalalapit na ang election. Sigurado sasakit ang ulo ng aking mga kaibigan. Paniguraro may mga pakiusap yan, at kapag hindi mapagbigyan. Naku po! Humanda ka na lang.
Kawawa din ang mga nakapwesto diyan sa Bureau of Customs, dahil sa mga pakiusap, kahit may problema pinagbibigyan. Ang tanong kapag nagka kaso ba sila. Tumutulong ba ang mga pulitiko na ito? Naku po! Buntot mo hila mo! Maging mautak at mag-ingat mga igan!
Pahabol mga Igan! Sino sa mga Coll. VI ang na appoint dahil political kingpin ang pamilya nito sa Mindanao. May Congressman na uncle, Governor, at pinsan na Mayor. Sa madaling salita MARCOS CRONIES.
Well, wala naman masama kung nagta trabaho ng maayos. Balita ko magaling daw ito? O baka marunong lang naman! Kayo naman, hintayin niyo ang inyong pagkakataon.
Sa balasahan na manyayari. Sigurado akong may basbas yan mula sa Malakanyang. Kaya sumunod na lang po tayo para ma reach ang target ng BOC. At good luck sa inyong lahat!
***
SECTION CHIEF, INIIYAKAN
May lumapit sa akin na mga importers at brokers, may Section Chief daw na masiba. Halos, ubusin na daw ang kikitain nila. Minsan na rin daw nila itong sinabihan na PALIT TAYO NG PUWESTO.
Naku po! Hulaan niyo! Saang Port? Gusto niyo ng clue? Mag message na lang kayo at tumawag sa akin. Dahil kapag isulat ko baka maibigay ko ang tulay niyang pagkilanlan. Uy ambot sa kambing na may bangs!
Naku po! Kung alam mo lang. Nakuha ko na mga luho mo at kung ano ang mga na invest mo. Kapag ma-imbestigahan ka ng Department of Finance Revenue Integrity Protection Service. Iiyak ka rin! Ano pa life style check na natin?
Spread the news