
TANGAN ang matayog na professional career ng isang HENERAL, at higit sa lahat ang kanyang integridad at dignidad para ipagkatiwala ang isang metikulosong posisyon sa Intelligence Group kay Deputy Commissioner General Juvymax Uy, talaga namang karapat-dapat. Tama po ba ako CIIS Dir. Enciso?
Si Dep. Comm. Uy, maituturing na haligi ng mga HENERAL, mga Igan! Sapagkat ang rurok ng kanyang tagumpay ay may ka-akibat na pagsusumikap. Ibig sabihin nito walang bahid anomalya, na siya niyang naging giya upang mapagwagian ang puso ng ating mahal na pangulo. Hindi po ba? XIP Head Dir. Princepe?
Sino nga ba si Dep. Comm. Gen. Juvymax Uy? Bago pa man sa kanyang mabunying appointment, madami na itong natamong mga parangal, rose from the ranks at higit sa lahat magaling sa larangan ng paniniktik at panghuhuli ng mga ismaglers. kahit itanong niyo pa kay Intelligence Officer IV Alvin Enciso.
Gusto niyo ng katibayan? Bigyan ko kayo ng sample! Kung naalala niyo ang comprehensive command conference nakaraang Dec. 11, 2024, inilahad ng Customs Intelligence Group ang kanilang Extraordinary Achievements for Border Security.
Kung hindi po tayo nagkakamali, inihayag ni Customs Intelligence and Investigation Service Director Y. Enciso, ang natatanging accomplishments ng IG-CIIS mula 2022, ang taas ng kanilang nahuli, na halos doble bawat taon.
Opo mga Igan, dahil sa exceptional leadership at visionary ni Dep. Comm. Juvymax Uy, at ni Comm. Bien Rubio, nakapagtala ng legasiya ang dalawa, kung saan nagkaroon ang bureau ng 729 seizures worth of Php 24 bilyon, at sa taong 2024 1,537 seizures na may value of Php 81 bilyon. Kahit e confirm niyo pa kay Dir. Enciso.
May mahalagang gampanin ang ating magiting na Deputy Commissioner Gen. Juvymax Uy, siya lang naman ang katuwang ni Comm. Bien Rubio, para sugpuin ang ismagling at mapataas ang koleksyon ng BOC. Tama po ba ako Idol Joel Pinawin?
Tunay na kahanga–hanga, itong si Dep. Comm. Juvymax Uy, kapansin-pasin ang sigla, dedikasyon sa trabaho. Ito marahil ang kanyang mabisang paraan sa pamamahala, kaya nagbunga sa kanyang pag-angat.
Sa aking panayam, sa mga kawani ng BOC at mismo ng mga taga CIIS, anila ang pagiging totoo ni Dep. Comm. Uy, at intact na integridad, ang naging bahagdan rin sa kanyang mga tagumpay. May bunos pa mga kaibigan, ang dignidad rin nito ay hindi matawaran, bunsod ng isang pagiging mabuting nilalang, wala itong bahid anomalya. Kaya marapat na tularan. Hindi po ba kuya Badong ng XIP? Mabuhay and may God bless you, always