POOR PERFORMANCE, ang malinaw na nakikita kay Bureau of Customs Collector sa Timog Bahagi ng Pilipinas, sapagkat hindi ito maka reach ng target simula nang manungkulan ito at ma appoint bilang Collector.

Sadya naman daw pong walang alam ito, kundi nabibilang lamang siya sa pamilyang mga pulitiko sa Mindanao, na ang kamag anakan nito ay Congressman, Gobernador, at Mayor.

Pero may iba namang nalalaman si Collector, dahil Money Maker daw ito, para ihatag daw sa taas. Sino ang tinutukoy ni Collector? Obligasyon ba ito? O kapalit nang kanyang posisyon? Nagtatanong lang!

Anyway, nasasaad naman sa batas, ayon sa Supreme Court, kung pinupuna natin ang performance ng isang tao sa gobyerno, ay natural lamang ito. kaya wala naman kaso diyan. Uy ambot!

Ano itong aking nababalitaan kay BOC Collector na gutom daw ang kanyang nasasakupan? Paano sa sampung barko, 8 kay Collector at dalawa para sa lahat! Naku po imbudo na! Maitanong nga kay Sir! Ambot sa kambing na may bangs!

Teka, mukhang makatotohanan ang balitang MILKING COW ni Collector ang ahensya, dahil sandamakmak ang kanyang mga examiner na dati ay apat lang ngayon sampu na ata. Anong meron?

Balik tayo mga Igan sa Collection. Para malaman niyo kung saang lupalop ito ng District Collection Office ng Aduana. Ito lang naman ang Port District na may permanenteng importer ng gasolina, krudo at mga sasakyan. Pero bagsak ang koleksyon?

Naku po! Yung dating nanunungkulan sa Port District na yan, malaking tulong sa buong Bureau, kumbaga binubuhat nito ang ibang Port na hindi maka reach ng target sa taas ng surplus.

Tapos ngayon bagsak. As in semplang. Naku po! Namumuro kana Collector. Dapat ka nang masibak, o baka naman nagbabawi ka sa iyong hatag para maka pwesto. Totoo po ba ito?

Clue: Pasintabi po sa mga kapatid nating Muslim, malaki po ang respeto ko sa inyo, dangan lamang at inutil si Collector. Naku po! Mag resign kana diyan o gusto mo pang masibak.

Sa ating mahal na pangulong Bongbong Marcos, huwag po tayo magpa bulag sa kanyang kamag anakan na mga Pulitiko, nakukumpermiso dito ang kanyang trabaho. Haitz! Bagsak na naman ang Port District niya sa COLLECTION! Sibakin na! Uy ambot sa kambing na may bangs! May susunod pa….

***

HINDI NAKATIIS SI BOC COLLECTOR

HAY NAKU! Sino kaya itong BOC Collector na nambubukol sa kanyang mga kasama? Paano madaming sinuportahan na mga girlalu! As in babaeng kalaguyo!

Taga Tiboli po ito mga Igan, as in kalahi ni Aiza at Jake Zyrus! Kala mo kung sino kung umasta. Ang angas at arogante, mataas naman tumara. Ang tanong nakakarating kaya sa kanyang big boss o sa kanyang bulsa lamang?

Biruin mo madami na itong mga ari-arian na hindi kayang maipaliwanag. Sa kanyang SALN ayon sa ating Insider. Understated at overstated daw ito! Ibig sabihin pawang mga kasinungalingan ang naka saad.

Hay naku! Baka matulad ka sa dating Chief Justice na impeach. Sunod kana po, kaya mag hulos dili ka. Pupulutin ka din sa kangkungan. Maniwala ka sa akin. Uy ambot!

Hay naku win na win ang lola niyo. Bakit? Mahilig lang naman siya sa TITO. Alam niyo na? Gusto niyo pa ng Clue. Ok may magara lang naman siyang CAR, mula pa sa CHINA. HAHAHA

Baka SPY na ito ng China. May ganun! Hindi niyo pa nakuha! Mahilig lang naman siya sa CAMAY, as in namamaga na nga! Hahaha! Haitz! Ito pa, lumilipad na buhok niya sa dami ng eroplano na dumadaan sa kanya. Period! May kasunod pa….

***

THE GENNIE LAWYER OF BOC, ALADDIN’S FRIEND?

SIGURO mga Igan, pamilyar kayo sa animated film na Aladdin, at aliw na aliw kayo dito dahil sa role ng isang GENIE, naglalaho siya at may mahika. Pwede ka rin mag wish sa kanya. Tama po ba ako?

Anyway, meron po yan sa Bureau of Custom, as in GENNIE na magaling mag tago, kahit nariyan siya. Sasabihin na WALA at naglalaho. Madami na po akong experience sa kanya.

Nagtatago ba o may itinatago? Tila takot kasi na ma interview tungkol sa kanyang Big Boss. Hay naku! Alam ko naman mga ginagawa niyo. Huwag mo nang e deny, dahil public knowledge yan.

Natatawa na lang ako, kesyo may seminar, nasa meeting, out of town, naka leave. Naku po! Gesture pa lang ng kasama mong mga kawani. Alam ko nang nagsisinungaling!

Ang kaibahan lang ng Gennie sa animated film at sa iyo, mabait at magbibigay ng katuparan sa iyong kahilinga. Saiyo Madam, Ewan ko na lang. Bukod kang naiiba! Uy ambot!

Sa susunod na ating paglimbag, huhubaran ko na ang iyong pagkatao. As in, lahat ng anomalya mo, naka banner sa pahayang ito. Para masibak ka at pulutin sa kangkungan. Hindi ka nararapat sa puwesto mo! Mag practice ka na lang! Magaling ka pa naman! Abangan ang ating ililimbag!

Spread the news