
MARAMI ang natuwa sa pagbabalik ng ating kaibigan na si Bureau of Customs for Internal Administration Group Mike Fermin, dahil nakikita naman ang kanyang angking galing at ito’y napapakinabangan ng BUREAU.
Kung hindi po tayo nagkakamali si Dep. Comm. Mike, ay naging Director ng IAG, naging OIC Dep Comm., ng IAG at MISTG, kaya naman bihasa na ito sa larangan na kanyang kinabibilangan.
Sino nga ba si Dep. Comm. Mike Fermin, dating Kinatawan ng isang Partylist, at kilalang pamilya sa Lalawigan ng Bulacan. Kilala dahil sa magandang serbisyo sa publiko at walang bahid anomalya.
Kaya naman, hindi na nakakapagtaka kung ang isang tulad ni Dep. Comm. Mike Fermin, ay makakabalik sa Bureau of Customs, syempre sa tiwala at suporta ng ating buting Kumisyuner na si Comm. Bien Rubio at nang pangulo ng bansa.
Nito lamang, April 02, 2025, nang lumabas ang kalatas mula sa tanggapan ni Executive Secretary Retired Supreme Court Justice Chief Atty. Lucas P. Bersamin, na naka address kay Department of Finance Secretary Atty. Ralph Recto, na nagsasaad na:
“I am pleased to transmit the appointment letter of Mr. Michael Cristobal Fermin, as Deputy Commissioner, Bureau of Customs, Department of Finance, vice Erwin T. Mendoza, signed by President Ferdinand R. Marcos.”
Ang nasabing liham ay may lagda at pinagtibay ni ES Bersamin, mula sa tanggapan ng Office of the President, Malacanang, na marami ang namangha at natuwa dahil deserving naman si Dep. Comm. Mike.
Anyway, ang masasabi ko lang sa mga appointees, na tanggapin natin kung ano ang nais ng nasa taas, sapagkat binigyan tayo ng pagkakataon na magserbisyo sa bayan. Kaya ayusin natin.
Sa mga natapos ang kanilang mga termino, God has purpose. At nakakatiyak ako na may bagong bukas na naman na oportunidad para sa inyo. Tanggapin po natin na maluwang na hindi permanente ang ating mga posisyon. Mabuhay and God bless us, always!
***
REGODON DE PATARANTA SA BOC
WELCOME na welcome naman sa mga kawani sa Bureau of Customs ang balasahan na nagaganap sa nasabing ahensya, upang sa ganun ay maipakita naman nila ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang debisyon.
Nais ko po munang batiin at congratulations po sa ating kaibigan na si Director III Ronnie I. Prinsipe sa kanyang pagkakatalaga mula sa pagiging Collector VI, naging Director III, ito sa ilang panahon lamang.
Nagpapatunay na marunong ito sa kanyang ginagawa at sa mga taong kanyang pinagkakautangan ng loob, kumbaga nagseserbisyo ito ng maayos para hindi mapahiya sa mga taong nagtitiwala sa kanya.
From Office of the Commissioner balik na naman po si Boss Ronnie sa X-ray Inspections Project, bilang head at under ito ng Intelligence Group, na minamaneho ng ating magaling at matalinong Dep. Comm., for Intelligence Group Gen. Juvymax Uy.
Magandang katuwang ni Dep. Comm. Uy, si Dir. Principe, dahil may angking galing ito sa larangan ng paniniktik, para mahuli ang mga ismgaler. At higit sa lahat marunong!
Samantala, nais ko din batiin si Dir. Atty. Marlon Broto, sa kanyang pagkakatalaga sa Port of Operations Service, under ng Assessment and Operations Coordinations Group.
Immediate superior niya ang batikang abogado at Dep. Comm. for AOCG Atty. Vener Baquiran, kaya sigurado magkaka intindihan silang dalawa dahil parehas silang abugado na bihasa sa CMTA Law.
Pagbati din kay Atty. Geniefelle P. Lagmay, na naitalaga naman bilang Deputy Collector for Assessment sa Port of Clark, syempre kasama niya ang magaling at matalinong District Collector Jairus Reyes.
Ang nasabing REGODON sa Bureau of Customs ay lumabas nito lamang April 21, 2025 na may lagda ni BOC Commissioner Bien Rubio at pinagtibay ni DOF Secretary Ralph O. Recto. Muli, keep up the good work my friends!
Spread the news