MUKHANG makakatikim ng SUSPENSION ORDER ang Calixto Dynasty mula sa tanggapan ng Ombudsman, kasama ang kanyang mga konsihal dahil sa reklamo ng dalawang kapitan nito lamang July 8, 2025.

Kasong paglabag sa R.A 6713, at R.A 7160, o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, p (d) any abuse of the exercise of the power of preventive suspension shall be penalized as ABUSE OF AUTHORITY.

Nag-ugat ang nasabing suluranin nang magbaba ng suspensyon order laban kay Kap. Sta. Maria, at Kap. Calupig ng Brgy. 159, kung saan nilampaso nung halalan si Mayor Emi Calixto.

Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit nag ngitngit sa galit itong si Mayor Emi Calixto sa Punong Barangay dahil mismo sa kanyang barangay ay tinalo siya ng kanyang katunggali na si Yorme Wowee?

Marahil totoo ang balita na ating nakalap na lahat ng mga sumuporta kay Yorme, ay pinapahirapan at ginawan pa umano ng mga kasong walang mga basehan katulad na lamang ng dalawang kapitan na si Kap. Sta. Maria at Kap. Calupig.

Sa kalatas na ating natanggap mula sa ating pinagkakatiwalaang source, si Kap. Sta. Maria at Kap. Calupig, ay kinasuhan ng ilang alipores ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Kasong Administratibo na may case no. 2024-15 for Abuse of Authority, Gross Misconduct, and Dereliction of Duty sa Sangguniang Panglungsod ni Mary Cris Balictar.

At si Kap. Calupig naman ay may kasong Administratibo din na may SP Administrative Case No. 2024-16. Kung saan inatasan silang sagutin ang naturang reklamo.

Taong 2025 January 20, ang reklamo at ang sagot ay na transfer ng Sangguniang Panglungsod sa Liga ng mga Barangay base sa Ordinance No. 490 Series of 1995 as ammended by City Ordinance No. 5691 of Series 2015 for mediation.

May 21 2025 ang Liga ng mga Barangay ay nagsumite ng report sa nangyaring mediation at inirekomenda ang kaso sa Sangguniang Panglingsod En Banc.

Buwan ng June 2, 2025 ang Sangguniang Panlungsod ng Pasay City ay nagpasa at ini adopt ang Resolution No. 7578 Series of 2025 na may title na RESOLUTION RECOMMENDING THE IMPOSITION OF A SIXTY DAY SUSPENSION AGAINST PUNONG BARANGAY ELDY CALUPIG AND STA. MARIA dahil sa kasong administratibo.

Kinabukasan lang June 3, 2025 ang alkalde na si Mayor Emi Calixto Rubiano ay nag isyu ng Memorandum, implementing the Sixty day preventive suspension.

Agad namang nagsumite ng Urgent Motion to Lift Preventive Suspension ang dalawang kapitan na si Kap. Sta. Maria at Kap. Calupig, dahil wala naman basehan ang kanilang suspensyon order.

Sa kabila ng mosyon ng dalawang kapitan na tanggalin ang suspension sa kanila nagmatigas pa rin ang alkalde. Dili kaya ito ang kanyang paraan para maka ganti sa dalawang kapitan kung saan siya natalo?

Samantala ang mga lumagda sa suspension order ay kasama din sa kinasuhan sa Ombudsman na sina Councilor Mark Anthony Calixto, Mary Grace Santos, Marlon A. Pisebre, Albert Alvina, Ricardo Santos, Donnabel Vendivel, Angelo Arceo, Enrique Calixto, at Benedict Angeles.

Spread the news