Marami ang nagulat hindi lamang sa loob ng Bureau of Customs sa biglang pagbabago ng liderato ng nasabing ahensya, sapagkat anila malakas si Comm. Bien Rubio hindi lamang kay House Speaker Romualdez, gayundin sa pangulo.

Kung matatandaan ninyo pagkatapos lamang ng halalang lokal at nasyunal nitong 2025, pinagsumite ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang mga Cabinete at maging ang head ng bawat ahensya.

Isa na rito si Comm. Bien Rubio ang nagbigay ng kanyang courtesy resignation at hindi naman tinanggap, dahil sa kanyang magandang ginagawa at hindi naman sumesempang ang koleksyon target.

Kaya ang tanong bakit? Anong dahilan? Anyway, may magandang plano ang May Kapal kay Comm. Rubio, at irespeto na lang natin ang anumang desisyon ng pangulo na sa palagay niya ay makakabuti sa bansa.

Kaya itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Ariel Nepomuceno bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC) at personal na pinangunahan ni Marcos ang panunumpa sa tungkulin ni Nepomuceno, na pumalit kay Bienvenido Rubio.

Ayon sa Presidential Communications Office, iniatas ng Pangulo sa BOC na tiyakin ang seguridad sa mga hangganan ng bansa, gayundin ang pagpapatupad ng transparency at kahusayan sa pangongolekta ng buwis at kita ng pamahalaan.

Kung inyo pong lilimiin, hindi na bago si Comm. Nepomuceno sa BOC. Dati na siyang nagsilbi bilang Assistant Commissioner ng Post Clearance Audit Group mula Disyembre 2017 hanggang Abril 2018, at Deputy Commissioner ng Enforcement Group mula Disyembre 2013 hanggang Pebrero 2017.

Bukod pa rito, naging Executive Director din siya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Administrator ng Office of Civil Defense.

Mula naman Disyembre 2012 hanggang Marso 2013, nagsilbi rin siya bilang Director at CEO ng Office of Civil Defense sa ilalim ng Department of National Defense at noong 2003, naging consultant din siya sa Office of the President.

Welcome back Comm. Ariel Nepomuceno, at panigurado akong marami ka pong pagsubok na pagdadaanan. Makakatiyak ka naman na nakasuporta ang buong kawani ng BOC, para sa iyong magandang layunin. Mabuhay and good luck!

Spread the news