Kung usapang koleksyon, walang dudang may maipagmamalaki si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Mahigit P11.4 bilyong collection surplus sa unang anim na buwan ng taon? Aba’y hindi ’yan basta tsamba!
Sa gitna pa ng kaguluhan sa Middle East at paghina ng pandaigdigang kalakalan, nakalalamang pa rin ang Customs sa target nito. Bigyan natin ng masigabong palakpakan!
Subalit mga kaibigan, hindi lang koleksyon ang sukatan ng tagumpay sa Customs. Tanong niyo pa kay Atty. D., para may sapat kayong ka-alaman
Ngunit may mas mahalagang tanong! Pare-pareho bang umiiral ang batas sa loob ng BOC? O exempted dito si A.E. Sabagay malapit daw siya kay Assec na pinsan niya.
Paulit-ulit na ipinangako ni Comm. Nepo ang “No-Take Policy.” Ngayon naman ay “No Second Chance” o One-Strike Policy. Maganda pakinggan. Hindi po ba?
Kaso, tahasang nilalabag ito ni A.E., paano may sampung manok daw siyang parating sa taas. Kanino? Hay naku! Tanong niyo pa kay Muncher…
May mga bulung-bulungan at reklamong umiikot sa loob ng ahensya tungkol sa umano’y iregularidad ni A.E., dangan lamang ang opisyal ay sinasabing malalakas ang kapit.
Sana, hindi lang mga ordinaryong kawani ang mabilis maparusahan habang ang mabibigat ang kapit ay tila hindi man lang nadadampian. Dahil ba sa parating? Tanong nga natin kay Atty. D?
’Yan ang ayaw makita ng publiko. May tinitingnan at tinititigan. Parusahan ang dapat parusahan. Sibakin ang dapat sibakin. Teka may CMU na, magbakasyon ka kaya muna A.E.?
Wish ko lang, mawala ang impresyon na may “VIP lane” laban sa pananagutan, sapagkat masasapawan kahit ang pinakamataas na collection surplus.
Comm. Nepo, ito ang pagkakataon mong patunayan na ang One-Strike Policy ay hindi slogan para sa press release. Patunayan mong wala talagang “kamag-anak system” sa Customs.
I mean, Walang “pinsan.” Walang “kumpare., Walang “malakas,” at Walang “untouchable.”Dahil kapag may isang opisyal na tila hindi naaabot ng disiplina, ang tanong ng publiko ay iisa:
May One-Strike Policy ba talaga… o One-Strike Policy lang para sa mahihina? Tanong lang naman. Bato-bato sa langit. Magalit na lang.
Please lang, huwag niyong sirain ang magandang imahe ni Comm. Ariel Nepomuceno. Sayang ang kanyang mga natatamong parangal kung sisirain lang ng isang tao dahil sa kamag-anak. Uy ambot!
