MARAMI ang nagulat at nabigla sa nangyaring palitan ng mga opisyal sa Bureau of Customs, sapagkat kung performance wise lang naman ang pagbabasehan, beyond expectations naman.
Nariyan ang mahigpit na paglaban sa ismagling, ma-ayos, malinis na transakyon ng mga stakeholders, importers, brokers, at higit sa lahat lampas sa target collections.
Naging pala-isipan talaga sa mga kawani ng Bureau of Customs ang biglaang palitan ng mga opisyal, lalo na at ang iba sa kanila kilalang malapit sa matatas na opisyal sa Malakanyang.
Gayunman, palagi nating isipin na ang mga presidential appointees ay walang permanente, depende sa nakakarating sa taas. Kahit ma-ayos ang performance mo, kung may nag baterya ika nila. Goodbye my friend. May ganun!
Itong buwan ng July 2, 2025, nakatanggap tayo ng kalatas mula sa Bureau of Customs na CPO No. B-074-2025 na may lagda ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno at inaprubahan naman ni Department of Finance Secretary Ralph G. Recto.
Nagtatalaga kay Deputy Commissioner Gen. Nolasco K. Bathan for Enforcement Group, Deputy Commissioner Rommeo Allan R. Rosales for Intelligence Group, Director Thomas M. Narcise for CIIS, at Coll. Alexandra Y. Lumontad for Port of NAIA.
Yan pa lang ang may papel habang sinusulat po natin ang ating pitak, ngunit ayon sa aking source si Coll. Mimel ay appointed na as Coll. VI, kaya panigurado na may papalitan. Sino kaya?
Huwag naman sana yung mga magagaling at nakakatulong sa Bureau of Customs. Sayang lalo na si Coll. Atty. Yas Mapa, na performance to the max. Tanong mo pa kay Sir Dalope.
Minahal, at inalagaan sila ng nasabing Collector, kung saan naging magiliw ito sa kanyang kapwa kawani, at lahat naman ay masaya dahil walang napag-iiwanan. Tanong niyo pa kay Maam Nikka.
Teka bago ko po makalimutan, naitalaga naman si Atty. Agaton Teodoro Oliver Uvero bilang Deputy Commissioner for AOCG, na hindi naman daw bago sa kanya dahil dito din siya nagsimula. Ayon yan sa source natin.
Magaling din daw itong makisama si Dep. Comm. Uvero, at marunong sa AOCG. Tingnan natin, dahil nang ma assign ako bilang reporter dyan sa BOC. Hindi ko pa po siya nakasalamuha. Sana mabigyan tayo ng pagkakataon na makadaupang palad natin siya.
Payo ko lang sa ating mga kaibigan. “Walang permanente dito sa mundo, kundi pagbabago.” O dili kaya ang bantog na kasabihan ni former president Erap Estrada, WEATHER, WEATHER LANG YAN.
Kaya matutong, makisama, magtrabaho nang naayos sa batas. Higit sa lahat gawin ang mandato na ini-atang sa inyo. Iwasan ang maging mayabang baka ma tsugi ka. Naku po! Baka umiyak ka sa huli!
Hindi naman kaila sa ating lahat kung ano ang kwalipikasyon natin para makapasok dyan sa BOC. Public knowledge ika nga nila na madugo ang labanan dito. Totoo ba ito? Uy ambot!
Basta ang alam ko, si Comm. Ariel Nepomuceno, naitalaga dahil sa kanyang mataas na antas na katlinohan at kakayahan. Base yan sa kanyang educational credentials. Very impressive.
***
WELCOME AND CONGRATULATIONS BFP FSUPT. BARRIOS
MASAYA ang inyong abang lingkod ng makadaupang palad natin ang bagong City Fire Marshall ng Lungsod ng Paranaque na si FSUPT LIHER L. BARRIOS, dahil pamilyar siya sa akin.
Naalala ko na nung nakasama ko ang aking kumpare at dinalaw namin si Gen. Maslang sa Taguig, bilang City Fire Marshal, at kasaluiuyang Regional Director, na siya pala ang Deputy City Fire Marshal nang mga panahon na iyon.
Mabuhay po kay Col. Barrios, at nakakatiyak ang Lungsod ng Paranaque na nasa mabuting kamay sila, patunay lamang ito sa iyong mga paalala na maging alerto at maging maingat sa panahon ngayon.
Agaran naman silang magbibigay aksyon at solusyon kung sakali man merong mga pangyayari na hindi na inaasahan. Tingnan niyo mga Igan. Hindi lang po pang sunod ang BFP., para din sa inyong kaligtasan.
Nang mag kurtosiya po si FSUPT. Barrios kay Mayor Edwin Olivarez, agad po natin itong inalalayan kay Kua Edwin, at naging maganda naman ang takbo ng kanilang usapan.
Nakahanda ang buong BFP sa oras ng pangangailangan, at tutugan sila ayon sa mandato ng kanilang tungkulin. Muli welcome po sa lungsod ng Paranaque Col. Barrios. at congrats sa panibagong hamon ng buhay.
Siya nga pala mga kaibigan si ang PNP Paranaque DCOPA natin na si Col. Eric L. Angustia o mas tamang tawag po ata ang Assistant Chief of Police for Administration ay ka batch at k
a klase po ni Bureau of Fire and Protection City Fire Marshal or City Director Col. Barrios. Mabuhay po kayo and keep up the good work!
