Tahasang inamin ni Senador-Judge Imee Marcos ang kanyang pagkiling kay Sara Duterte sa gitna ng impeachment trial. Aniya, hindi umano ito usapin ng pananagutan kundi isang hakbang para harangin ang pagtakbo ni Sara bilang pangulo sa 2028.

Tanong: Nagkataon lang ba na ito rin ang linyang sinasambit ng Duterte Diehard Supporters (DDS)?

Kung pare-pareho ang litanya, malinaw—ito’y isang sinadyang depensa, pinag-isipan at pinaandar ng maayos na Duterte propaganda machinery. Hindi na ito tsismis—may script, may direksiyon. At kung gaano kalaki ang binabayad sa mga abogado tulad ni Atty. Nicolas Kaufman, tiyak may mas malawak pang pondo ang Duterte camp para sa ganitong disinformation campaign.

ANG MGA KASABWAT

Bukod kay Imee, hindi rin ikinagulat na sina Ronald “Bato” dela Rosa, Robin Padilla, at Christopher “Bong” Go ay kaboses niya. Akala ng marami sila lang ang apat. Mali. Mas marami pa pala.

Sa isang video na kinunan umano mula sa gallery ng Senado noong Martes, Hunyo 10, kitang-kita ang sabwatan. Ang eksena—tila hindi session kundi isang planadong sabotahe laban sa proseso ng Konstitusyon.

ANG VIDEO: EBIDENSYA NG SABWATAN

Sa maikling clip, makikita si Senador Joel Villanueva (galing sa “Jesus is Lord” na pamilya) na coaching o ginagabayan si Imee Marcos para tapusin ang pagsasalita ni Senador Risa Hontiveros. Narinig pa siyang nagsabi:

“Go to the microphone. Say that the point of order takes precedence. Para tumigil siya.”

Kasama ni Villanueva si Dela Rosa na kinumpirma rin ang senyasan. Maya-maya lang, pumasok sa frame si Sen. JV Ejercito at sumali sa pagkakagulo sa likod.

Ilang segundo pagkatapos, nagsalita na si Imee ng “point of order.” Sinundan ito ng suspensyon ng session ng senate president—na mistulang cue sa rehearsal, hindi pasya ng isang deliberasyon.

SENATE PRESIDENT, BULAG O KASABWAT?

Puwesto niya ang pinakamaganda ang tanaw. Hindi ito blind spot. Hindi rin siya naka-leave para sa retoke (haha). Nakita niya sina Imee, Joel, Bato, JV. Narinig niya ang mga bulungan. Huli sa hulicam. Ang sinasabi nila sa kalsada: “Nabuking.”

Ang nangyari: isang sabwatan, hindi deliberasyon. Isang pagtatangkang sirain ang impeachment trial mula sa loob mismo ng Senado.

 


 

ANG DINASTIYANG VILLANUEVA: “HINDI RAW SILA DYNASTY”

Ang ama ni Joel, si dating self-proclaimed bishop Eddie Villanueva, ay kasalukuyang kongresista ng party-list CIBAC. Hindi pa sapat ‘yan:

 

  • Anak na si Joel – senador
  • Anak na si Jonjon – mayor ng Bocaue
  • Yumaong anak na si Joni – dating mayor din
  • Asawa ni Joni, si Sherwin Tugna – dating kongresista, ngayo’y vice mayor ng bayaw niya.

Limang miyembro ng iisang pamilya sa politika? Hindi raw ito dynasty, sabi ng amang si Eddie:

Ang tunay na tanong: naglingkod ba talaga o nagsamantala lang sa apelyido at relihiyosong reputasyon?

Pinangalanan pa ang sports center ng Bocaue bilang Mayor Joni Villanueva Tugna Sports Center. Pondo ba ito ng gobyerno?

ANG TANONG:

Ano na ang nagawa ng mga pastor ng Villanueva laban sa korapsyon?

Ang mga kasong may kinalaman sa kanila—nakapubliko sa internet. Huwag niyong sabihing fake news kapag galing mismo sa mga record.

 


 

Panawagan sa taumbayan: Bantayan ang impeachment trial. Huwag hayaang lasunin ng mga scripted moves ng mga trapo at pastor-politiko ang prinsipyo ng pananagutan.

Sa bandang huli, ang kasaysayan ang maghuhusga kung sino ang nagtaksil sa Konstitusyon.

Spread the news