
NITONG halalang 2025 para sa Lokal at Nasyunal na election ay masyadong naging mainit sa Lungsod ng Pasay, at tila marami nang dismayado sa denastiya ng mga CALIXTO.
Sa naging resulta ng nasabing halalan, nagwagi pa rin ang mga CALIXTO, at gumana pa rin ang kanilang magic na 9-0, kung saan panalo pa rin pagka Kongresista si Cong. Tony Calixto, Mayor Emi Calixto, Vice Mayor Mark Calixto, at maging ang kanilang mga konsihal.
Haitz! Wala na ang tinatawag na CHECK and BALANCE. Paano sila-sila na lang? Iisa na lang ang kukunpas at walang kokontra sa kanilang mga nais, kahit ito’y may deperensya. Tama po ba ako?
Balik tayo sa naging resulta ng Halalan, panalo si Mayor Emi Calixto na nakakuha ng 132, 928, samantalang si Konsi Wowee 88, 110, meaning lumamang si Mayor Emi ng 44, 818.
Ang hindi katangap-tanggap na resulta ni Mayor Emi Calixto, ang MATALO siya sa kanyang sariling barangay 159, na may botong 612-323, pabor kay Konsi Wowee, at sa barangay 167, may botong 311-156, pabor kay Konsi. Malaking dagok ito kay Mayor Emi!
Sa Barangay 183, isa sa pinaka malaking barangay ng Pasay City District 1, nakakuha si Konsi Wowee na kandidato pagka Mayor ng 8,212 samantalang si Mayor Emi ay nakakuha ng 5,591.
Anong rason bakit may mga diskuntento sa administrasyon ni Mayor Emi Calixto? Hindi kaya pinipili lang niya ang kanyang pinagse-serbisyohan? O talagang nais na nila ng bago? Tanong lang!
Teka, ano itong nabalitaan ko na may mga kapitan ang humiwalay na kay Mayor Emi Calixto, at si Konsi Wowee ang kanilang sinuportahan nakaraang halalan. May na-amoy ba kayo?
Ito ba ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga kapitan ay pinakasuhan at sinuspende ng konseho? Meron ba silang sapat na basehan? Sabihin natin na pwede mag suspende ang City Council. Nag imbestiga ba sila?
Opo mga Igan! base sa nakuha kong dukomento at Resolution No. 7578 Series of 2005 ng Sangguniang Panglungosd ng Pasay, recommending the imposition of preventive suspension laban sa mga kapitan na ang Memorandum na may petsa na June 3, 2025 ay nilagdaan ni Mayor Emi.
Marahil ito ang nabalitaan ko na may utos sa taas? Kaya hindi nagdalawang isip si Mayor Emi. Well! Nagtatanong lang, ang matamaan. Bukol! Uy ambot sa kambing na may bangs! Naku po! Pag-isipan niyo itong ginagawa niyo. Baka makasuhan kayo?
Balita ko naghahanda na ang abugado ng mga kapitan para kasuhan ang mga City Councilor, Vice Mayor, at maging si Mayor sa Ombudsman. Tingnan natin, kung ano ang nararamdaman ng nasuspende. OMBUDSMAN pa! Uy ambot sa kambing na may bangs! Abangan may susunod pa!