TABUK CITY, Kalinga — Hindi bala. Hindi batuta. Kundi basketbol, disiplina at edukasyon ang piniling sandata ni NBI Regional Director Atty. Gelacio “Gel” Bongngat sa kampanya laban sa mga suliraning sumisira sa kinabukasan ng kabataan.
Ito ang mensahe sa pagbubukas ng GEL (Games Empowering Leadership) Tabuk City Inter-Barangay Basketball League 2026, na nagsimula noong Hunyo 27, 2026, kung saan lumahok ang lahat ng 43 barangay ng Tabuk City sa pinakamalaking grassroots basketball tournament sa lungsod.
Sa temang “Games Empowering Leadership,” layunin ng torneo na hubugin ang kabataan at maging inspirasyon maging sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng sportsmanship, disiplina, pagkakaisa at responsableng pamumuno.
Ang torneo ay brainchild ni Atty. Gelacio “Gel” Bongngat, na nagsilbing principal sponsor sa pamamagitan ng Rang-ay Eco-Adventure & Resort, katuwang si ABC President Andrew Cos-agon bilang host, sa suporta ng Office of Senator Christopher “Bong” Go at ng Philippine Sports Commission.
Lalong naging makulay ang pagbubukas sa pagdalo ng PBA legend na si Jerry Codiñera bilang special guest, ni Congresswoman Carolyn Agyao, at ni Tabuk City Mayor Darwin Estrañero, na nagpahayag ng suporta sa programang naglalayong ilayo ang kabataan sa bisyo at kriminalidad.
Para kay Bongngat, ang tunay na laban ay hindi lamang sa loob ng basketball court.
Ito rin ay laban para sa kinabukasan ng kabataan.
Kapag ang kabataan ay nasa court, nasa ensayo, nasa paaralan at abala sa positibong gawain, mas nababawasan ang panganib na sila ay maakit sa droga, gang, karahasan at iba pang gawaing labag sa batas.
Hindi lamang kampyon sa laro ang gustong mabuo ng programa.
Kundi mga kabataang may respeto sa batas, may malasakit sa komunidad at may pangarap na maabot ang tagumpay sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at edukasyon.
Ipinakikita ng GEL Basketball League na ang sports ay hindi lamang libangan. Isa rin itong mabisang paraan upang ituro ang teamwork, disiplina, respeto sa patakaran at tamang pamumuno—mga pagpapahalagang mahalaga sa loob at labas ng court.
Sa gitna ng mga hamon sa lipunan, ang ganitong inisyatiba ay nagpapakita na ang paghubog sa kabataan ay hindi lamang responsibilidad ng mga paaralan o ng law enforcement. Kinakailangan din ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga barangay, pribadong sektor at iba pang katuwang upang makalikha ng mga positibong oportunidad para sa susunod na henerasyon.
Habang umiinit ang kompetisyon sa basketball court, mas malinaw rin ang layunin ng programa—ang magtanim ng disiplina, palakasin ang pagkakaisa at magbukas ng mas maraming pagkakataon para sa kabataan.
Sa Tabuk City, isang mensahe ang malinaw na isinisigaw ng GEL Basketball League:
“Ang kabataang may bola sa kamay, mas may tsansang magkaroon ng magandang kinabukasan kaysa mahulog sa maling landas.”
43 BARANGAY, NAGKAISA SA TABUK INTER-BARANGAY BASKETBALL LEAGUE 2026; ‘GAMES EMPOWERING LEADERSHIP’ ANG SIGAW LABAN SA DROGA, KRIMEN AT KABATAANG NALILIGAW!
Ni: Dr. Bernie Anabo Jr.