Pasintabi po sa anumang kasarian, lalo na sa Bureau of Customs. Hindi mali magmahal, ayon sa isang punch line ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Ngunit kung makukumpromiso ang trabaho, at gumagawa kana ng labag sa batas, higit sa lahat hindi uso sa iyo ang no take policy. Aba’y suwail ka!

Bakit mga Igan? Isa sa mga mantra ni Comm. Ariel ang NO TAKE POLICY, subalit lantarang sinusuway ito ni Collector cum Tiboli. Dahil sa kanyang TARA SYSTEM umano.

Sabagay, magkaroon ka ba naman ng jowa na milyones ang kasuotan kapag dumalo sa isang binyag, kasalanan at anumang pagtitipon. Naku po magkakandarapa ka talaga sa paghahanap buhay. Ito ang tinatawag na high maintenance! Uy ambot!

Sabagay, nagkakamal na si Collector cum Tiboli ng salapi. Ikaw ba naman, magpalusot ng droga. Ayon sa ating Insider. At hindi pa kuntento, pati sigarilyo pinatos na. Tanong niyo pa kay Ike Ma-alsa? Uy ambot

May pagka ganid itong si Collector cum Tiboli. Ayon sa ating Insider, dahil sa hindi nakuntento sa mga smuggled products. Pati droga, pinatos daw nito?

Well, may karma naman, kaya ayon, iniinda niya ang kanyang likod dahil sa kabubuhat nito ng salapi. Tanong niyo pa sa International Corrupt Commission! Hahaha!

Paano kaya kung mag retires na si Collector cum Tiboli? Makaya pa kaya nito ang kanyang jowa na Dep. COMM., the high maintenance? O baka naman marami na itong naipon. May susunod pa!

*

Milyones kung magpatalo sa sabong….
PALDO SI BOSS IKE MA-ALSA NG BOC?

Naalala ko ang sikat na kanta ngayon at madalas ko marinig sa mga sayawan sa Fiesta ang PALDO SI BOSS, kung saan maihahalintulad ito sa isang kawani ng Bureau of Customs.

Ayon kasi sa ating Insider, kung magpatalo si Boss sa Sabong, aba’y talo pa ang mga pulitikong naka tanggap ng MALETA at Naka kuha ng project ng flood control. Uy ambot sa kambing na Mary bangs!

Hindi na nakakapag taka kung bakit, nagkakamal ito ng salapi. Naging utak ba naman ito ng ismagling sa loob ng Bureau of Customs. Ayon yan sa ating Insider. Tama ba ako Mr. Ma-alsa?

Patusin ba naman lahat ng ismagling, katulad ng sigarilyo, bigas, at May balita pang pati droga. Aba’y may pagka ganid pala ito? Kaya pala puro bukol ang mga collector niya. Hahahahah

Sabong pa more! Hindi ba may batas na nagbabawal sa mga kawani pumunta sa mga pasugalan? Bakit ito sinusuway ni Mr. Ike Ma-alsa? Dahil ba ipinagmamalaki btong may parating daw siya? Saan at kanino? Well, yan ang ating halukayin sa susunod nating pitak. Ambot sa kambing na may bangs!

*

OPERATOR CUM BAGMAN SI KUYA TAR-TAR?

MAY mga taong sadyang ipokrito lang, na kesyo malinis daw siya, walang bahid na anomalya. Pwe, till it to the marines. Hindi kami ipinanganak kahapon!

No take policy daw? Ano ba ang naging trabaho mo nung panahon ni Comm. RB? Hindi ba kayo ang OPERATOR at 100 milyon a week ang bigayan ng peg? Tanong niyo pa si Black Mamba!

Ang siste mga Igan, nagka onsehan, at ang isang daang milyon ay na HIGH JACK kuno. Ayon, sinabihan talaga siya ni Bossing na bayaran niyo ang 100 milyon, kung hindi lagot tayo kay Comm. RB.

Masunurin naman si Kua TAR-TAR, at binayaran ang 100 milyon na imbes every Friday ang bigayan, naging tuwing Lunes na. Ano yan ba ang NO TAKE POLICY?

Huwag nga kayong maging ipokrito! Alam naman natin na nakikinabang kayo! Ang mali lang kapag nagkaka bulilyaso. Iniiwan niyo ang pobreng kawani. Yan ang ugaling Hudas. May pagka trahidor. Ambot!

*
INUTIL ANG INTELLIGENCE GROUP NG BOC?

NAGKALAT sa merkado ang mga kontrabando, katulad na lamang ng hot meat, sigarilyo, ukay-ukay, pati ang droga. Paano ito nakakalusot?

O baka naman pinapa lusot? When the price is right! Uy ambot sa kambing na May bangs! Thank you sa Intelligence Group ng BOC, bumabaha ang kontrabando sa merkado.

Kawawa naman ang bayan natin. Mukhang palabas lang ang mga nakikita natin sa telebisyon na may nahuli kuno na droga? Bakit nagkalat pa rin sa merkado? May huli pero may pinalusot? Ang siste, triple ang lusot kaysa sa huli! Ambot!

Tila dispalinghado na ang Intelligence network ng BOC. Marahil dapat lang mag isip si Commissioner na palitan niya ang kanyang Dep. Comm. IG, at ang mga Field Officer. Natutulog lang sa kangkungan! May kasunod pa!

Spread the news