MARAMING dismayado sa Public Information Head ng City of Paranaque, sa asal nito na tila may hangin sa utak kung umasta na wala sa lugar, arogante, at ubod ng yabang sa katawan
Hindi kaya nasa kukute pa nito na siya ay nasa Presidential Communications Office pa siya na madaming protocal na dapat sundin para pangalagaan ang kapakanan ng Presidente?
Dapat na siguro ito magising sa katotohanan na siya at sinibak na sa PCO, dahil ang loyalty nito ay hindi sa bayan kundi sa dati pa nito umanong amo na sinasanto ang pera.
Biruin mo hindi na nito inirespeto ang mga media/publisher na dekada nang sumusuporta sa magkapatid na Olivarez, bagkus sinisinghalan pa nito, na kesyo wala itong karapatan kausapin ang alkalde.
MEDIA KA BA? Ito ang pa singhal na pahayag nito sa isang batikang reporter/columnist na pinalagan naman ni Maam Vilma, dahil sa wala nitong modong pag uugali kaya siguro pinatalsik sa PCO.
Hindi umano pwede kausapin lahat ng mga Department Heads ng City of Paranaque na hindi muna dadaan sa kanyang mga kamay, sapagkat may basbas daw sa kanya.
Alam kaya ito ni Mayor Edwin Olivarez ang kanyang ginagawa? Tila sinisira nito ang magandang imahe ni Mayor Edwin Olivare na dekada nang pinapangalagaan. Hindi kaya pakawala ito ng mga kanilang partido?
Malakas daw ang kapit nito, kaya wala itong respeto at pakundangan kung insultohin ang mga publisher at reporters ng Paranaque na dekada nang sumusuporta sa Pamilya Olivarez.
Ano kaya ang motibo ni Pre Madonna? Tulongan ang alkalde o ibagsak ito? Sapagkat hindi na masikmukra ng mga publishers at reporters ang pag uugali nito na parang tinubuan na ng sungay sa taas ng lipad.
Dinaig pa daw kasi ang Presidential Security Guard ni P.I.O. Head kung humarang. Ano ba ang kinuha ni Mayor Edwin? Cordon Saniter o PIO. Mas mabuti siguro mag apply ito bilang CSU Head.
Ang tanong kaya papayagan siya ni Col. Santiago, na numero unong sumusuporta sa mga Olivarez, para palitan siya bilang CSU Head? Dito kasi nanabagay si GalongGong.
Para sa ka-alaman ng lahat wala daw Paranaque Press Club at anumang organisasyon ng mga mamahayag sa Paranaque, na dekada nang sumusuporta sa mga Olivarez, dahil plano pala nito magtayo ng sariling organisasyon na kontrolado niya.
Abangan, madami pang ibubunyag ang Pahayagang ito sa pagkatao ni GalongGong, kung bakit siya nasibak, at isinuka sa PCO. Itanong niya pa kay Mr. Malaya. May susunod pa….
Spread the news
