NAKAKATAWA talaga itong mga opisyal ng Bureau of Customs, biruin mo nang aangkin ng papuri at accomplishment! HIndi ba kayo nahihiya o wala kayong kakayahan? Wag ako!
Maglabas ba naman ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng Public Information Administration Division o PIAD ng isang Press Release. Na kesyo nakahuli daw sila ng 749 M halaga ng shabu.
Ang tanong sino nakahuli? Sino ang dapat bigyan ng papuri at parangal. Bakit hindi nila binanggit? Gusto niyo bang palabasin na inutil ang dating mga opisyal? At kayo ang magaling!
Gayundin sa mga agricultural products na nahuli. Sino ba ang dapat bigyan ng parangal at reward? Baka sabihin niyo na naman, kayo ang nakahuli! Mahiya naman kayo sa pangulo. Ika nga nila Till it to the marines! Ambot sa kambing na may bangs!
Wag ako! Hindi lahat mabubula niyo. Dapat maging factual kayo. Puro kayo YES, kahit alam niyo naman na pwede mapahamak ang Kumisyuner. Tawag dyan SIPSIP. Walang malasakit!
Walang perpektong tao sa mundo, kaya dapat kung magpayo kayo sa ating Kumisyuner yung totoo. Hindi iyong ibubulid niyo sa kapahamakan. O baka naman may lihim kayong galit sa Kumisyuner. Ambot sa kambing na may bangs!
Sinuway agad ni Dep. Comm……
COMM. ARIEL NAGBABALA SA MGA KAWANI NA MAY BROKERAGE!
Mga Igan, si BOC Comm. Ariel Nepomuceno, ay may mantra na mag comply sa kanyang polisiya na pinagbabawalan ang mga kawani na magkaroon ng negosyo or financial interest lalo na sa customs brokerage operations.
Sa katunayan nag isyu pa si Comm. Ariel ng memorandum na anti-conflict of interest para alisin ang korupsyon sa loob ng Bureau of Customs. Bakit? Saad nito, marami-rami sa mga taga BOC ang may brokerage.
Mariin pang saad nito “Bilang regulators, hindi tama na kami rin ang broker. Unfair sa totoong brokers na yan ang kanilang hanap buhay at industriya.” Ano Dep. Comm.? Alam mo na!
Sa kanyang memorandum, “Categorically banned all BoC Officials, employees, and personnel from being involved, directly or indirectly, in customs brokerage businesses.”
Kabilang dito mga Igan ang pag mamay-ari, incorporator, stockholder, partner, consultant, advisor, or any other capacity that may raise ethical concerns.
Sa katunayan mga Igan, lahat ng mga kawani ay pinagsusumite ng verified affidavit sa tanggapan ng Kumisyuner, sampung araw pagkatapos mailabas ang memorandum.
Pero, tila SUTIL itong si Dep. Comm., dahil patuloy pa rin ang kanyang BROKERAGE. Hindi nga ba at kasabay ito ni Comm. Ariel na dumating sa BOC. O baka naman may sinasandigan kaya malakas ang loob na suwayin si Comm. Ariel.
Tulirong-tuliro ngayon si Dep. Comm., kung susuwayin ang memorandum o susundin. Dahil ito na yata ang kanyang pinakakahintay para sa kanyang negosyo. Tingnan natin kung gaano ka seryoso si Comm. Ariel. Sibakin mo itong si Dep. Comm.
O dili kaya ikaw Dep. Comm., out of delicadeza. Mag resign kana, ikaw sisira sa mga adbokasiya ni Comm. Ariel. O baka naman meron kayong tinitingnan at tinititigan. Ambot sa kambing na may bangs!
