MULA sa pagiging SULOTERA, nais ni Ursula ma promote na maging COLLECTOR V, para masungkit ang isang pwerto ng Bureau of Customs na matagal na niyang inaasam.
Magaling sa lahat, saad ng isang kawani. Mag over the bakod, at magmaniobra sa kanyang mga higher ups sa pamamagitan ng kanyang SALAPI, nungka e tsismis ka naman na mukhang pera. Kaya ingat ka kapatid! Ambot sa kambing na may bangs!
May lumabas na Customs Personnel Order No. B-097-2025 na may lagda ni Comm. Ariel Nepomuceno, at inaprubahan ni Department of Finance Secretary Ralph Recto nito lamang September 30, 2025, gulat ang lahat. Nagpa demote si Ursula.
Sa posisyon lang naman, pero ang kanyang plantilla, walang pagbabago mga Igan. Magaling nga lumaro si Ursula, mukhang may nararamdaman na malawakang REGODON at nag alsa balutan. Ambot sa kambing na may bangs!
Magaling talaga maglaro, as in mas mahusay pa sa mga ismagler at players. Katulad na lamang ng travel authority. Pinaglaruan lang ni Ursula. Sabagay magaling ito maghatag.
Gaano kaya katotoo ang kaso ni Ursula ibinaon? May isang complainant kaugnay sa kanyang TRAVEL AUTHORITY na sampung pagliliwaliw nito sa ibayong dagat ISA lang ang Opisyal. Paano ito nangyari? NAku po!
Relax mga Igan, ang complainant po ay nakakuha ng CERTIFICATION from Bureau of Immigration, sa kanyang mga paglalakbay, kasama umano ang kanyang kalaguyo. Para sa kanilang pulot gata. Tanong niyo pa kay Mr. Xerex? Ambot!
Balita ko, kaya nabaon ang kaso o sabihin natin na PARKING, dahil nagbayad daw ito ng tig limang milyon. The who? Sa sunod ko na pitak, ibigay ko sa inyo ang clue. Kilala niyo na ba si Ursula? Well, tawag lang kayo para sa karagdagang impormasyon.
Yan pala ang dahilan kaya naabuso ang TRAVEL AUTHORITY. Ikaw ba naman maghatag ng tig limang milyon. Naku po, sabagay malakas ito sa mga Congressman ng Central Luzon. Sana lang walang flood control! Ambot sa kambing na may bangs!
***
GANG RAPIST SA BOC, SIBAKIN!
MARAMI ang nag react at tumawag sa akin ukol sa aking pitak na may pamagat na RAPIST SA BOC IMBESTIGAHAN. Opo, as in nag no. 1 sa lahat ng aking mga artikulo na binasa ng madla. Kilala niyo ba ito mga Igan?
May nagsabi sa akin na nadamay lang! May nagsabi na, hindi kaya si Simpson ito ng Port of? Ngek! Bitin kayo ano. Siya lang naman ang kasama ni Mr. Masigasig ng isang Port sa Central Luzon.
Madami din tumawag sa akin na mga Insider na itong RAPIST ng Agricultural Products, ay nakulong ng dalawang taon, dahil sa kanilang ginawang karumal-dumal. Biruin mo nang gang rape? May saltik ata ito o sadyang manyakis.
Sabagay, kapag sobra-sobra ang pera na tinatamasa, tiyak nababaliw sa kakaisip kung saan dadalhin ang kanyang nadugas sa BOC. Tanong niyo pa kay Collector.
Haitz! Kawawa naman ang aking kaibigan na COLLECTOR ng Central Luzon, binukulan, hindi lang ang ULO, tadtad buong katawan. Milyones ba naman ang nadikwang! Ambot sa kambing na may bangs!
Sabagay kasabwat daw ito ng isang National Hero. Tanong niyo pa kay Bonifacio, magugulat kayo sa kanilang ginawang ECONOMIC SABOTAGE. Kasuhan na, non bailable po ang hatol dito. Para muling mag himas ng rehas na bakal.
Sa magandang REPORMA ni Comm. ArielNepomuceno sa Bureau of Customs. Ang inyong MODUS ay hindi oobra. Kaya ano nangyari sa inyo. FLOATING as in LUMULUTANG ang isip niyo kung paano kayo makakabalik sa mga juicy positions.
Anyway, marami kayong nakulimbat, lalo na sa mga AGRI PRODUCTS at VAPE. Tama po ba ako? Ambot sa kambing na may bangs! Tanong niyo pa kay Bonifacio. Tiyak, babaha ang detalye. May susunod pa…..
***
PARTING SHOT:
Nitong buwang ng Setyembre taong kasalukuyan, dumaan po ang inyong abang lingkod ng pagsubok, nariyan na ang pabalik-balik ang aking ama sa ospital ng halos isang taon.
Dito ko nakita ang mga totoong kaibigan, yung down na down ka, biglang sasabihin na wag kana mag alala sa bayarin mo sa Ospital, wag kana mag alala sa problema mo sa pambili ng gamot AKO NA ANG BAHALA!
Hindi ko matawaran ang pagkatao nito. Totoong kausap sabi nga ni Comm. Ariel at marunong sa kanyang mga nasasakupan. Magaling mag trabaho at sadyang nagta TRABAHO lamang.
Mula sa pamilya ANABO, taos pusong pasasalamat po. Napaka busilak ng iyong puso COLLECTOR. Gusto ko sana banggitin pangalan mo. Kaso ikaw yung taong napaka down to earth, at may ginintoang puso. Biruin mo sabihin ba naman sa akin WAG NA BERNIE. Kaibigan tayo!
Dito ko po ibubuwis ang buhay ko sa taong ito. Marunong, magaling, may isang salita at higit sa lahat masaya ang kanyang mga kawani, dahil sa kanyang pamumuno. Tama po ba ako Boss Bart at Atty. Ed?
Dalangin ko po na humaba pa ang buhay niyo, bigyan kayo ng malusog na pangangatawan, at puspusin ng mabiyayang pamumuhay mula sa May Kapal. Comm. Ariel, ngayon lang po ako magsasabi sa iyo.
Ito ang mga taong makakatulong sa iyong reporma, at magandang koleksyon ng buwis para sa taong bayan. Hindi po kayo mapapahiya dito, at tiyak matutuwa ang presidente sa kanila. Mabuhay po kayo and God bless us, always!
